Crust - Bahagi ng daigdig na matigas at mabato. Ito ay may kapal na 8 kilometro at ang kapal pailalim sa mga kontinente ay umaabot sa 70 kilometro. Nahahati-hati pa sa malalaking tipak ng batong tinatawag na plate. Pinakaibabaw ng plate ang mga kontinente.
Mantle - Isang patong ng mga batong napakainit dahil dito ang ilang bahagi nito ay malambot at natutunaw.
Core (Outside Core at Inner Core) - Ito ay ang bahagi ng daigdig na nasa kaloob-looban na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.