HASAIN ANG TALASALITAAN
Isulat sa patlang ang kasingkahulugan at kasalungat ng salitang makasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
1. Nahalina siya sa (maalindog) na mukha ng dalaga.
Kasingkahulugan: _______________   Kasalungat: _______________
2. (Napahagulgol) na lamang siya dahil sa madalas niyang pagdududa sa kaniyang asawa. 
Kasingkahulugan: _______________   Kasalungat: _______________
3. (Humagibis) nang takbo ng kanilang sasakyan upang marating ang destinasyon.
Kasingkahulugan: _______________   Kasalungat: _______________
4. Dali-dali ay (dumalog) siya sa kaniyang ama at humingi ng payo dahil sa pagseselos ng kaniyang asawa.
Kasingkahulugan: _______________   Kasalungat: _______________
5. Agad na (inihandog) sa kaniya ang bitbit nitong buslo bilang tanda ng katapatan sa dalaga.
Kasingkahulugan: _______________   Kasalungat: _______________