Sagot :
Answer:
Explanation:7 na paraan upang mapangalagaan ang ating kalikasan:
1. Pag patay ng mga appliances na hindi na gagamitin, katulad na lamang ng ilaw, kung maliwanag na dulot ng araw, patayin na upang maka ipon ng enerhiya. Isa na rin dito ang tubig, dahil minsan naiiwanan nating patayin ito. Kaya kailangan natin itong patayin kung hindi na gagamitin.
2. Ang paggamit ng walang mga usok na sasakyan kung kinakailangan. Maraming paraan kung paano natin gagawin ito, kung hindi naman kailangan gumamit ng mga may usok, mas mainam gamitim ang bisikleta.
3. Iwasan ang pagkakaingin. Maraming tao ang ginagamit ang paraang ito upang mapabilis nila ang kanilang mga gawain. Kailangan ng itigil ito dahil hindi lamang usok o polusyon nito, kundi maling paggamit din ng mga tira – tirang gamit nito. Maaring gamitin uli ito upang hindi magsayang ng mga pinagkukunan.
4. Batay sa bilang 3, kailangan nating ipatupad o gawin ang 3R’s o ang “Reduce, Reuse, at Recycle”. Ito ang pinkamainam na gawin upang makatulong na maging maayos at malinis ang kalikasan dahil nagagamit pa natin ang mga patapong bagay.
5. Iwasan ang paggamit ng mga dinamita, bakit tayo gumagamit ng dinamita? Para saan? Para makahulinagad ng mga isda? Diba tayo rin ang makikinabang niyo dahil baka sa bawat paggamit nito maaari din tayong malason dahil sa dulot nitong kemikal. Nasisira din natin ang katubigan kaya kailangan na nating itong iwasan.
6. Pagtatanim ng mga Puno. Kailangan nating magtanim ng puno dahil ito’y nakakatulong sa atin hindi laman dahil sa oxygen na dulot nito kundi dahil humihigop ito ng tubig kapag baha, at nakakatulong ito sa mga gawaing panlalaki tulad ng pagtatayo ng mga bahay at mga bagay – bagay dahil sa dulot nitong kahoy. “Kung puputol ng isang puno, kailangan palitan ito ng 10 puno”.
7. At ang pinakahuli sa lahat ang iwasan ang pagtatapon ng kalat o basura kahit saan. Ano ba ang problema ng tao bakit sila nagtatapon ng basura kahit saan? Bakit? Kasi may mga metro aide na maglilinis nito? At isa pa bakit tayo’y kapag nakakita ng kalat ay dedma lang? Bakit?mawawala ba dangal mo kung pupulot ka nito? Madudungisan ba ang buong katauhan mo Kung pupulot ka? Sa katunayan, mas pinapangaralan pa ang mga metro aide at mga janitor dahil sila’y nakakatulong na mabawasan ang dumi sa paligid. Kaya kailangan nating iwasang magtapon. See Less
Comments
John Cedrick Corpuz
that was correct to protect our environment thanks to your opinion
· Reply · 26w