Answer:
Ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, na dinadaglat na PDP–Laban, ay isang partidong politikal sa Pilipinas na itinatag ng mga grupong tutol sa nakaupóng Pangulong Ferdinand Marcos. Nabuô ito nang magsanib ang Partido Demokratiko Pilipino ni Aquilino Pimentel at Lakas ng Bayan ni Ninoy Aquino, mga lider ng oposisyon noong panahon ni Marcos. Mahalaga ang naging papel ng PDP–Laban sa pagsulong at dalhin nito ang kandidatura ni Corazon Aquino bílang Pangulo ng Pilipinas sa isinagawang dagliang halalan ng 1986, na naging hudyat ng pagbagsak ng rehimeng Marcos.