paano ka magpapasalamat sa mga bayani natin?​

Sagot :

Answer:

Naalala mo pa ba ang huling nagawa mong sakripisyo para sa iyong pamilya, sa iyong kapuwa, o sa iyong bayan? Sabi nila mahirap na ang pagkakaroon ng lubos na pagmamahal sa bayan. Kailangan daw kasi ng pagbubuwis ng buhay. Gusto mo lamang ay payapa at tahimik na pamumuhay.

Paano maipakita at ituro ang pagmamahal sa bayan

Totoo na noon ibinuwis ng ating mga bayani ang kanilang buhay para sa bayan. Bagaman sa  panahon ngayon, hindi kailangang magbuwis ng buhay para ipakita ang pagmamahal sa bayan, sapat na ang katapatan, paggalang, at pagpapahalaga.

Katapatan sa pagsunod sa batas

Mahalaga ang pagiging tapat natin sa pagsunod sa mga batas na ipinapatupad. Sa ganitong paraan naipapakita natin ang tamang disiplina. Gaya ng simpleng pagsunod sa batas-trapiko. Ang pagtawid sa tamang tawiran ay may malaking bagay upang makaiwas sa disgrasya o anumang aksidente. Ganito rin ang mangyayari kung lahat ng drayber ay mabuting makasusunod sa mga batas. Mababawasan ang kaguluhan at magiging maayos ang daloy ng lahat.

Isa pa, ang pagtatapon ng basura. Kung magiging sistematiko tayo at nakasusunod nang mahusay sa mga panukala sa basura, mapapanatiling malinis ang kapaligiran at maiiwasan ang mga pagbaha. Maisasalba rin natin sa pagkasira ang ating kalikasan. Sa mga ganitong sitwasyon, sa halip na makaragdag ka pa sa suliranin, mas magiging bahagi ka ng solusyon sa lumalawak na problema ng bayan.

Explanation: