Naibibigay ang kasingkahulugan ng salita ayon sa gamit nito sa pangungusap
A. Isulat sa linya ang Tama kung ang salitang may salungguhit ay kasingkahulugan ng mga salitang naka-italiko. Kung hindi magkasingkahulugan, palitan ang salitang naka-italiko ng angkop na salitang kasingkahulugan nito. Isulat ang ipinalit na salita sa mga linya. 1. Ang isang tinatawag na lider ay isang taong namumuno sa isang pangkat ng mga tao. 2. Kapag ang isang tao ay tanyag, kilala siya ng karamihan. 3. Ang isang negosyante ay nagtitinda o bumibili ng mga kalakal upang kumita ng pera. 4. . Ang lantay ay nangangahulugang puro at walang halo. 5. Kung nagbabakasakali ang isang tao, mayroon siyang nararamdamang pangamba. 6. Mahigpit ang isang tao kung pinababayaan niya ang lahat ng bagay sa kanyang nasasakupan.