ano ang dalawang aspeto ng hilig?

Sagot :

         Ang mga hilig ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang naggaganyak sa iyo na kumilos at gumawa.

       May dalaw ang aspeto ng hilig: ang larangan ng hilig (areas of interest) at ang tuon ng atensyon (Abiva, 1993). May sampung larangan naman ito: outdoor, mechanical, computational, scientific, persuasive, artistic, literary, musical, social service, at clerical. Ang tuon ng atensyon ay ang preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain – sa tao, data, bagay o ideya

       Mahalagang tandaan na ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng maraming hilig at may higit na isang tuon. Halimbawa, ang 
pagcompose ng awit ay indikasyon ng hilig sa musika (musical) at pagsusulat (literary). Ito ay may tatlong tuon–tao (pag-awito pagpapakinig ng 
nilikhang awit sa kaibigan), data (paglapat sa mga linya ng awit ng mga pagkatuto sa karanasan) at ideya (paggamit ng estratehiya kung paano maipalalaganap ang mensaheng awit).