Ang pamilya ang sektor sa lipunan na naatasang hubugin ang mga kabataan sa maayos na pag-uugali at asal habang ang pamahalaan ay may tungkuling tiyakin na may pantay-pantay na karapatan ang mga mamamayan sa lipunan. Ang mga negosyo na siyang nagpapasok ng malaking halaga sa kaban ng bayan ay nakakatulong upang mabigyan ng tulong pinansiyal ang mga kababayang nangangailangan samantalang ang paaralan ang siyang huhubog sa ating mga kabataan upang maging bukas ang pag-iisip sa aspetong sosyal, politikal, ekonomikal at iba pa. Kapag nagawa ng maayos ng lahat ng sektor na ito ang kanilang mga tungkulin, natitiyak kong magiging madali lamang abutin ang matiwasay na layunin sa lipunan.