Sagot :
Answer:
A. Sa gana ng relasyon sa Diyos
1. Mapanalig sa wika at kapangyarihan ng Diyos.
B. Sa gana ng relasyon sa sarili
1. Mapayapa at malaya ang isipan at katauhan.
2. Mataas ang antas ng paninindigan. Mapagpahalaga sa katotohanan at karangalan.
3. Kalaban ng kasinungalingan pagsasamantala, panloloko at katiwalian.
4. Mapangalaga sa kalusugan at malinis sa tahanan. Matiwasay, maaliwalas at masagana ang kabuhayan.
5. Mahinahon, magalang at hindi mayabang. Maagap at matapat sa mga kausap.
6. Masipag at maayos sa gawain. Mapaghanda sa lahat ng kaganapan at mapanatag sa labi ng panganib at kasawian.
7. Matuwid gumanap sa kalayaan at makatao sa paggamit ng kapangyarihan.
8. Tagatagubilin sa mga kamalian, kalupitan at kalabisan sa mga mamamayan.
9. Masugid na kaaway ng karahasan at kasamaan.
10. Tagapagtaguyod ng katarungan at kapayapaan.
C. Sa gana ng relasyon sa pamilya
1. Mapagmahal at mapag-aruga sa pamilya. Magalang sa mga magulang.
D. Sa gana ng relasyon sa kapwa
1. Mabuti at matapat na kaibigan.
2. Mapangalaga sa kinabukasan ng kabataan at kaligtasan ng mga kapitbahay.
3. Mapagkaisa sa kabutihan ng mga mamamayan at sangkatauhan. Matulungin sa mga tunay na nangangailangan at mapagdaup palad sa mga mahihina at may karamdaman.
4. Kumikilos at namumuno sa pagpapalaganap ng kalinisan, kalusugan, kaligtasan, kapayapaan, katarungan at kasaganahan ng mga mamamayan.
E. Sa gana ng relasyon sa kalikasan
1. Mapangalaga at kalinga sa kapaligiran at lawak ng kalikasan.
F. Sa gana ng relasyon sa pamahalaan
1. Nakikialam sa mga di-kaayusan at kaguluhan ng lipunan. Mapanaliksik ng mga kalutasan sa mga problema ng bayan.
2. Mapangalaga sa kultura at mabubuting kaugalian ng bayan.
3. Matulungin sa mga makatao at makabayang layunin ng pamahalaan.
4. Maalab na tagapagtanggol sa kasarinlan at kalayaan ng bayan.