II. Piliin ang tamang pangungusap ayon sa sitwasyong nakalahad. Isulat ang
letra ng wastong sagot sa patlang.
1. Isinasalaysay ni Lito na nakakita siya ng itim na pusa sa kalsada.
a. Ako ba ay nakakita ng itim na pusa sa kalsada?
b. Nakakita ako ng itim na pusa sa kalsada.
c. Naku! May itim na pusa sa kalsadal
d. Tignan ninyo ang itim na pusa sa kalsada.
2. Nagtatanong si Mario sa kaniyang Nanay kung tutuloy pa ba silang
pamilya sa pag-uwi sa probinsiya.
a. Pakitanong nga si Nanay kung tutuloy tayong umuwi sa probinsiya.
b. Yes! Uuwi tayo sa probinsiya!
c. Nanay, tuloy po ba ang ating pag-uwi sa probinsiya?
d. Kami ay uuwi sa probinsiya.
3. Tuwang-tuwang binuksan ni Dhing ang regalong damit ng kaniyang
Ninang Glecy.
a. Wow! Ang ganda ng bago kung damit!
b. Maganda ang bago kong damit.
c. Buksan mo nga ang regalo.
d. Maganda ba ang regalo ng Ninang Glecy ko?
4. Inutusan si Mello na magsibak ng kahoy ng kaniyang ama.
a. Maaari ka bang magsibak ng kahoy?
b. Mello, magsibak ka ng kahoy.
c. Nagsisibak ng kahoy si Mello.
d. Bakit ka nagsisibak ng kahoy?
5. Inutusan si Jayson ng kaniyang Ate Joan na magdilig ng halaman.
a. Jayson, bakit hindi ka nagdidilig ng halaman?
b. Magdilig ka nga ng halaman, jayson
c. Wow! Nagdidilig ng halaman si jayson
d. Si jayson ay nagdidilig ng halaman

Nilakihan ko na ung points para sa inyu​