Sagot :
Answer:
Mga salitang nagtatapos sa “aw”
Maraming salita ang nagtatapos sa “aw”. Maaring tumutukoy ito sa pangngalan na ang ibig sabihin ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. May ilan ding salitang nagtatapos sa “aw” na ginagamit natin sa pang-araw araw na buhay. Ilan sa mga salitang nagtatapos sa “aw” ay ang mga sumusunod na ginamit sa pangungusap.
- kalabaw
- sabaw
- apaw
- halimaw
- galaw
- ikaw
- saklaw
- dilaw
- bataw
- bayaw
- araw
- ababaw
- takaw
- babaw
- bahaw
- pukaw
- hikaw
- litaw
- magnanakaw
- ginaw
- agaw
- langaw
- balaraw
- matakaw
- bugaw
- galaw
- isawsaw
- isaw
- hilaw
- Banahaw
- anahaw
- bitaw
- sayaw
- silaw
- sigaw
- kinilaw
- uhaw
- tanglaw
- tuklaw
- lugaw
- hapyaw
- kurimaw
- halimaw
- tanaw
- balahaw
- singaw
- inihaw
- gunaw
- kalabaw
explanation:
Ang pambansang hayop ng Pilipinas ay kalabaw.
sabaw
Napaksarap humigop ng mainit na sabaw tuwing tag-ulan.
apaw
Umaapaw ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak.
galaw/sayaw
Napakaganda ng kanyang galaw habang nagsasayaw.
ikaw
Ikaw ang napiling sumali sa patimpalak sa pag-awit.
dilaw
Ang watawat ng Pilipinas ay binubuo ng mga kulay asul, pula, puti at dilaw.
bataw
Sa kantang bahay kubo, maririnig ang gulay na bataw.
bayaw
Napakabait ng bayaw ng ate ko.
araw
Napakaganda ng sikat ng araw sa Silangan.
ibabaw
Ipinatong ni Nena ang aklat sa ibabaw ng lamesa.
matakaw
Ang lakas kumain ni kuya kaya lagi siyang nasasabing matakaw ni Nanay.
babaw
Ang babaw pala ng luha ng kaibigan kong si Mark.
bahaw
Gustong-gustong kainin ni Tata yang kaning bahaw.
hikaw
Hindi mahanap ni ate ang nahulog na hikaw sa parke habang naglalaro.
magnakaw
Isa sa mga utos ng Diyos ang huwag magnakaw.
ginaw
Tuwing tag-ulan at taglaig nakakaramdam tayo ng sobrang ginaw.
agaw
Inagaw ng bata ang laruan ng kanyang kaibigan.
langaw
Palaging takpan ang mga pagkain para hindi madapuan ng langaw.
isawsaw/hilaw
Ang sarap isawsaw ng hilaw na mangga sa bagoong.
isaw
Isa mga paborito kong pagkain ay ang isaw na nabibili sa mga kanto-kanto.
Banahaw
Ang Bundok Banahaw ay matatagpuan sa Lucban, Quezon.
anahaw
Napakatibay ng mga bagay na gawa sa anahaw na dahon.
bumitaw
Ayaw kong bumitaw sa aking pangako sa kanya.
silaw
Ang kanyang angking ganda ay nakakasilaw.
sigaw
Siya ay napasigaw ng malakas dahil sa kanyang takot.
uhaw
Kailangan kong uminon ng maraming tubig dahil ako ay uhaw na uhaw galing sa pagtakbo.
natuklaw
Hindi niya nakita ang ahas kaya siya ay natuklaw.
lugaw
Ang sarap ng lutong lugaw ni Lola para sa aming meryenda.
ilaw
Ang ating mga Nanay ang nagsisilbing ilaw ng mga tahanan.