Answer:
Mga Pakinabang sa Kalusugan ng Malunggay
Pagdating sa Mga Pakinabang sa Kalusugan, ang Malunggay ang isa sa tinaguriang Hari ng sustansya. Maraming mga produkto at suplemento ang umangkop sa mga nutrisyon ng Malunggay upang epektibong mapangalagaan ang kalusugan ng isang tao.
Mabuti para sa Metabolismo
Ang mga dahon ng malunggay ay may mataas na antas ng Vitamin B na napakahalaga para sa proseso ng ating metabolismo. Mayroon din itong fiber na tumutulong sa pagtunaw ng mga pagkain at magkaroon ng magandang sistema sa bituka.
Ang Malunggay ay may lampas 40 na Antioxidant
Napakahalaga ng mga Antioxidant para bantayan ang ating mga cell laban sa mga free radikal kapag ang ating katawan ay tumatanggap ng mga molekula tulad ng usok o radiation.