Mas madali pang

pagkasunduin ang langit at

lupa kaysa sa dalawang

PILIPINO ipaliwanag ang linya ni heneral luna​


Sagot :

Answer:

“Mas madali mo pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa ang mga Pilipino sa alinmang bagay.” Ito ay isa sa mga linyang sumasalamin sa ugali ng mga Pilipino, ugali na hindi nagkaka-isa ang mga ideya at sa mga paraan kung paano pamunuan ang bansang Pilipinas. Ito ang linyang sinambit ng artistang si John Arcilla bilang Heneral Luna.

Sa pelikulang Heneral Luna, dalawang wika ang nangingibabaw sa gabinite noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa bansang Pilipinas. Ito ay ang Tagalog at ang Espanyol. Bakit may mga salitang Espanyol na ginagamit samantalang ang gabinete ng mga Pilipino ay nasa Pilipinas? Isa sa mga kadahilanan nito: ang mga Pilipino ay nasa pananakop ng mga Espanyol sa panahong bago ito sakupin ng mga Amerikano.

Nang sinakop ito ng mga Espanyol, ang ibang Pilipino mula sa mataas na antas ng lipunan ay nag-aral ng wikang Espanyol. Mapapansin din natin sa pelikulang Heneral Luna ang dalawang wika na ito ay ginagamit ng kasapi ng gabinete at iba pang sundalo. Kung pakikinggan natin nang mabuti ng mga salitang Espanyol na ginagamit sa pelikula, magugulat tayo na halos puro mura lamang ang mga ito tulad ng "Puta", Dehadas", at "Lo que un maricon". Maririnig din natin sa pelikula na ang tawag ng mga tao lalo na't ang mga kasapi ng gabinete kay Pangulong Emilio Aguinaldo ay Espanyol din at iyon ay ang Señor Presidente.

Ang paraan ng pakikipag-usap ng mga gabinete sa pelikulang Heneral Luna ay laging pasigaw, hindi maisaayos-ayos and daloy ng kanilang pakikipag-usap dahil may iba’t ibang ideya na gusto sabihin, gusto ng bawat isa ang laging mauna, gusto laging masunod ang kani-kaniyang mga ideya. Ang hirap nga naman na maiayos ang daloy ng usapan ng gabinete kung lagi na lang magsisigawan at hindi nagbibigyan ng daan para maintindihan ng iba pang mga kasapi ng gabinete.

Masasabi nating pormal dapat ang paraan ng pakikipagtalastasan sa isang pagpupulong lalo na't kasama ang presidente na si Aguinaldo ngunit kung sisiyasatin natin ng mabuti, hindi pormal ang ginamit na paraan na pagsasalita ng mga gabinete sa mga pulong kahit pa nasa harap lamang nila aga presidente. Hindi sila nahihiyang ipahayag ang kanilang damdamin nang pasigaw at walang pakundangan.

Bilang paalala, dapat lagi tayong mapagmatiyag sa mga wika at sa mga paraan ng pakikipagtalastasan na ang ating ginagamit. Di tulad ng mga gabinete na laging nagyayabangan at nagsasagutan, dapat tayong mga Pilipino sa kasalukuyan ay magkaroon ng pagkakaisa, lalo na kung para ito sa ating bayan. Ang isa sa mga natutuhan namin sa pelikulang Heneral Luna, dapat mas malaki ang porsiyento ng pagmamahal sa bansa sa sarili. Kung tayo mismo ay hindi ito pakamamahalin, sino pa ba ang gagawa nito para sa atin ?