Ibigay Ang Kahulugan Ng: Bagong Panahon, Lumuwag Ang Tali, Ikahon Ako, Puting Kapatid, At Inasam .

Sagot :

Ang ibig sabihin ng bagong panahon ay ang modernong panahon o panahon ngayon. Ito yung panahon kung saan naging pantay - pantay na ang pagkilala ng lipunan sa mga babae at lalaki . Dati kasi mas pinapanigan ng tradisyon at maging ng batas ang kalalakihan.
Ang ibig sabihin ng lumuwag ang tali ay ang pagkakaroon ng kaunting kalayaan ng mga kababaihan, kung saan medyo hindi na masyadong mahigpit ang pagpatupad ng mga tradisyon.
Ang ibig sabihin ng ikahon ay ikulong o pagbawalang lumabas ng bahay upang makihalubilo o makisalamuha sa ibang tao.
Ang puting kapatid ay tumutukoy sa mga dayuhang nasa bansa.
Ang inasam ay isang bagay na matagal na hinintay, pinagdarasal o kaya'y pinagsikapang maangkin at makamit.