ano ang kahulugan ng kasihan nawa ako ng panginoon

Sagot :

Answer:

"Kasihan nawa ako ng Panginoon"

Ang ibig sabihin nito ay "patnubayan, gabayan o ingatan ka sana ng Panginoon". Ang katagang ito ay madalas nating naririnig sa mga panalangin dahil normal na sa mga panalangin ang humingi tayo ng gabay at patnubay sa Panginoon, na sana ay tayo ay kanyang ingatan at iligtas sa anumang kapahamakan.

Bilang taong naniniwala sa kabutihan at kabanalan ng Panginoon, isa na sa ating nakagawian ay ang palagiang pagdarasal o pananalangin sa Poong Maykapal, ito ay isang paraan ng pagpapasalamat sa mga biyaya na patuloy niyang ipinagkakaloob sa atin, paghingi ng tulong at gabay upang ilayo tayo sa anumang kapahamakan at ang paghingi ng tawad sa mga nagawang kasalanan. Malaki ang nagagawa ng panalangin sa atin sapagkat dahil dito mas lalo tayong napapalapit sa Diyos at lalong pinlaalakas ang ating paniniwala at pananalampalataya sa kanya.

Diyos

Ang Diyos ang ating tagapagligtas, siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat, siya rin ang gumawa at lumikha sa ating mga tao, napakahalaga na ating ibigay ang ating buong pagmamahal at lubos na pananampalataya sa kanya, dahil sa kanya makakaramdam tayo ng kapayapaan sa ating mga puso.  

Kahalagahan ng Pananampalataya sa Diyos

  • Siya ang palaging andiyan para sa atin, sa lahat ng pagkakataon, patuloy na gumagabay upang tayo ay mapabuti at mapaayos ang kalagayan.  
  • Walang imposible kung palagi mong kasama ang Diyos at palaging isasabuhay ang kanyang mga utos, lahat magiging posible basta magtiwala ka lang sa kanyang mga plano.
  • Wala kang mararamdaman na sakit at poot dahil pinapagaan niya ang kalooban ng mga taong naniniwala nananampalataya sa kanya, na sa kahit anong pagsubok, problema at hamon ang dumating sa iyong buhay, palaging may solusyon.  
  • Ito ang nagiging daan upang magkaroon tayo ng malakas na ugnayan at matibay na komunikasyon sa ating Panginoon.
  • Nalalaman at nabibigyan natin ng halaga ang kaniyang mga banal na utos at salita.
  • Ang pagkakaroon din ng matibay na pananalig sa ating Diyos ang siyang magsisilbing instrumento upang tayo ay maging isang mabuting tao.
  • Natututunan ang mga magagandang gawain para sa ating sarili at maging sa ating kapwa.

Ang Diyos ang nagtatakda ng lahat ng mangyayari, dahil mas alam niya ang makabubuti para sa ating lahat, siya lang ang nakakaalam sa mga pwedeng mangyayari sa atin sa hinaharap.  

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link mga na nasa ibaba:  

10 pangungusap tungkol sa pananampalataya sa Diyos: brainly.ph/question/2164574  

10 Utos ng Diyos: brainly.ph/question/1043618 , brainly.ph/question/217813  

#LetsStudy