ano ang panimula, panggitna at wakas ng Puasa : Pag aayunong Islam ?


Sagot :

Answer:

PUASA : ANG PAG AAYUNONG ISLAM

Ang mga muslim ay nag-aayuno, ito ay tinatawag na Puasa. Ginagawa ang puasa upang tupdin ang turo ng Qur’an at matutunan ang disiplina sa sarili. Ang Puasa ay ganap nap ag aayuno sa pagkain,pag-inom kasama na ang masasamang gawi laban sa kapwa mula sap ag sikat ng araw hanggang sa pag lubog nito.

PROSESO NG PUASA O PAG-AAYUNO

1. PANIMULA

• Ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong islam nagsisimula ang pag-aayuno

• Ito ang napiling buwan dahil dito nangyari ang unang pagpapahayag ng Q’uran kay propeta Mohammad, sa kuweba ng Hira

• Sa panimula ng unang araw ng Ramadan, sa bandang ika-anim ng hapon. Sama-sama o grupo-grupong naliligo ang mga muslim bilang paglilinis at bilang paghahanda sa Puasa

• Ang araw na ito ay tinatawag na peggang ng mga taga Maguindanao.

• Naghahanda sila ng pagkain o kundali sa bawat bahay

• Minsan dinadala ito sa Mosque at ipapakain sa mga naroroon

• And kanduli at paliligo ang simula ng Ramadan sa loob ng 29 hanggang 30 araw batay sa paglitaw ng bagong buwan.

2. IKALAWA

• Sa pagitan ng ikatlo o ikaapat ng umaga o bago sumikat ang araw, ang bawat muslim na may kakayahang mag-ayuno ay kumakain ng mabuting almusal na tinatawag na Saul

• Maari silang kumain at umiinom, ngunit kapag sumikat na ang araw ay hindi na sila maaring kumain pa. Dito maari silang matulog ulit o mag basa na lamang ng Qur’an.

• Ipinagpapatuloy araw-araw ang ganitong Gawain

• Ang ilan ay umuuwi ng maaga sa bahay ang iba naman ay nagtitpon sa Musque kasama ang mga kaibigan o kapamilya at naguusap ukol sa relihiyon. Ipinagbabawal ang pagtsitsimis.

3. IKATLO

• Ang pag-aayuno ay natitigil sap ag lubog ng araw

• Sa pag-lubog ng araw ay maari ng kumain muli ang mga Muslim

• Tinatawag na pembuka ang pagtigil sap ag-aayuno dahil hapon na at lumubog na ang araw.

• May mga ilang pagkakataon na ang pag-tigi ng pag-aayuno ay ginagawa sa nahay ng datu o sinuman sa komunidad na boluntaryong maghahanda ng pagkain.

Para sa iba pang kaalaman ukol sa Puasa buksan lamang ang link sa ibaba:

brainly.ph/question/2231404

brainly.ph/question/369856

brainly.ph/question/248175