TUNGKOL SA KWETO NG "IBONG ADARNA"

B. Isulat sa patlang ang T kung tama ang pahayag at X kung ito ay mali.

__1. Gagaling lamang ang hari kung mahuhuli nila ang Ibong Adarna.

__2. Nabigo at naging bato ang dalawang prinsipe.

__3. Tinulungan ng isang matandang lalaki si Don Juan matapos bugbugin ng mga kapatid.

__4. Umawit ang Ibong Adarna nang makauwi sa Berbanya ang bunsong prinsipe.

__5. Pinarusahan ng hari ang dalawang anak sa utos ni Don Juan.

__6. Nailigtas sina Donya Juana at Prinsesa Leonora nang matalo ang higante at serpyente.

__7. Pinutol ni Don Pedro ang lubid nang bumaba si Don Juan para kunin ang singsing ni Leonora.

__8. Ginamot ng lobo si Don Juan at hinatid sa Reyno delos Cristales.

__9. Hinarap ni Don Juan ang maraming pagsubok upang mapasakanya si Maria Blanca.

__10. Bumalik ang alaala ni Don Juan at humingi siya ng tawad kay Haring Salermo.​