6. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa Mabuting Pagpapasya, maliban sa isa. A. Magkalap ng kaalaman C. Magpasya kaagad para di mahuli B. Magnilay nilay D. Hingin ang gabay ng Diyos
7. Ito ang dalawang kakayahang taglay ng bawat isa sa atin na magagamit sa pagpapasya at malayang pagsasakilos ng pinili at ginusto nang may pananagutan dito. A. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob B. Kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan c. Kalinawan ng isip at masayang kalooban D. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
8. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay bagay.
A. Katwiran C. Impormasyong hawak B. Mabuting Pagpapasya D. Damdamin at isip
9. Kung nanatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maari ka ring magsisi sa iyong pasiya, ano ang dapat mong gawin? A. Pag-aralang muli ang pasiya B. Magkalap ng impormasyon C. Piliin kaagad kung ano ang magpapasaya sa iyo D. Magtanong sa barkada
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa kahalagahan ng pagbuo ng Personal na Misyon sa Buhay? A. Gabay sa tamang pagpapasya B. Daan para magkaroon ng tamang direksiyon sa buhay C. Paraan para matupad ang mga pangarap D. Tulay sap pag-unlad dulot ng hindi tamang pagpapasya