asahin at unawaing mabuti ang bawat salaysay. Piliin ang mga pangungusap na nagsasaad ng katotohanan.
Sa merkatilismo, nakasalalay sa dami ng ginto at pilak ang yaman ng isang bansa.
Hindi nagkaroon ng epekto ang La Ilustracion sa Pilipinas dahil malayo ang Europa.
Napayaman ng Kalakalang Galyon ang Spain mula sa kita nito.
Ang pagbubukas ng Suez Canal ay naging daan ng pagdating ng kaisipang Liberal sa bansa.
Ang paggarote sa tatlong paring martir ay isang dahilan sa pag-sidhi ng damdamin ng mga Pilipino upang lumaban sa mga mananakop.
Isang dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa ng mga Pilipino ay ang walan ng kasanayan at kahusayan ng mga ito sa pakikidigma.
Nagkakaisa ang mga Pilipino kahit ang mga ito’y magkakalayo ng bayan o lalawigan.
Nagkakasundo at nagkakaintindihan ang mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng Espanyol kaya tagumpay ang kanilang pag aaklas.
Ang ating bansa ay isang arkipelago kaya’t naging mahirap sa mga ninuno natin na mag-ugnayan at magplano ng pag-aalsa.
Ang mga katutubo ay kulang sa mga sopistikado at makabagong sandata kaya karamihan sa kanilang pag–aaklas ay nabigo.