Answer:
Ang Aralıng Panlipunan ay Isang katagang
naglalarawan sa isang malawak na pag-aaral, sa ibat
ibang larangan na kinabibilangan ng nakaraan at
kasalukuyang pakikipag- ugnayan at kaugalian ng
mga tao. Kinikilala ito bilang pangalan ng kurso na
tinuturo sa elementarya at mataas na antas ng
paaralan, ngunit maaring tumukoy din to sa pag-
aaral ng partikular na aspeto ng lipunang tao sa ilang
kolehiyo sa buong mundo.
Ito ay sangay ng pag-aaral na naglalayong
pagsamahin ang ibat ibang mga aralin tulad ng
kasaysayan, ekonomiks, sosyolohiya, heograpiya,
antropolohiya upang lubusan na mauunawaan ang
ating lipunan. Mahalagang pag-aralan ang araling
panlipunan dahil nakasentro dito ang pang-unawa
kung paano kumikilos ang buong mundo sa sosyal na
lebel.