Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat and titik ng tamang sagot. _____1. Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago dahil ito ay A. isang buong kalupaan B. binubuo ng maliliit na pulo lamang C. binubuo ng malalaking pulo lamang D. binubuo ng malalaki at maliit na pulo _____2. Ang Pilipinas ay sinasabing nasa estratehikong lokasyon. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay nito? A. dahil ito ang nag-iisangruta o lugar para sa kalakalan. B. dahil napapalibutan ito ng ibat ibang anyong tubig at ng mga bansang Asyano. C. dahil ito ay madaling marating gamit ang mga daang riles at tulay mula sa lupalop ng Asya. D. dahil mainam ang lokasyon nito sa pagdaraos ng mga pandaigdigang pagpupulong. _____3. Ang paglalarawan sa mundo bilang isang modelo o representasyon ng daigdig. A. larawan B. Pilipinas C. globo D. lokasyon _____4. Imahinasyong guhit na humahati sa mundo sa silangan at kanlurang hating-globo. A. Ekwador B. International Date Line C. Prime Meridian D. Arctic Circle _____5. Ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas? A. 40 23’ at 210 25’ hilagang latitude at ng 116 0 at 1270 silangang longhitud B. 50 23’ at 210 25’ hilagang latitude at ng 1170 at 1270 silangang longhitud C. 60 23’ at 210 26’ hilagang latitude at ng 1170 at 1280 silangang longhitud D. 40 24’ at 210 25’ hilagang latitude at ng 1170 at 1280 silangang longhitud _____6. Naging malaki ang epekto ng lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng kasaysayan nito, ano ang naging negatibong epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino? A. dahil sa mga likas na daungan nito, naging bahagi ng ito ng mga rutang pangkalakalan. B. dahil sa estratehikong lokasyon nito, sinakop ito ng mga malalalakas na bansa gaya ng Espanya, Estados Unidos at Hapon. C. dahil sa lokasyon nito na matatagpuan sa sonang tropikal, maraming dayuhan ang nagtungo dito upang gawing bakasyunan. D. dahil sa napapalibutan ng mayamang katubigan ang bansa, maraming mangingisda ang nakikimabang sa mga yamang dagat nito. _____7. Imahinasyong guhit na naghahati sa mundo sa magkaibang araw? A. International Date Line B. Base Line C. Green Line D. Spectral Line _____8. Tumutukoy ito sa isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong pamamaraang ng pananaliksik. A. fossil B. teorya C. kontinente D. siyentipiko ____9. Ang teorya tungkol sa pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan. A . Teorya ng Tulay na Lupa B. Teorya ng Tectonic Plate C. Teorya ng Bulkanismo D. Teorya ng Continental Drift ____10. Tawag sa bahagi ng mundo na kung saan ay may 452 bulkan at 75% ng mga pinaka aktibo at dormant na bulkan sa daigdig. A. Pasipiko B. arkipelago C. kontinente D. Pacific Ring of Fire ______11. Siyentipikong naniniwala na ang Pilipinas ay nabuo sanhi ng pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan. A. Harry Hess B. Bailey Willis C. Alfred Wegener D.Ferdinand Magellan ______12. Batay sa pag-aaral ni Prof. F. Landa Jocano, ito ang pinagmulan ng ating lahi. Nakita ang mga labi nito sa kweba ng Tabon sa Palawan. A. Taong Tabon B. Taong Mangyan C. Taong Kuweba D. Taong Bato ______13. Ang tao ay nilikha ng Diyos sa Kanyang kaanyuhan at kawangis sapagkat tayo’y mahal Niya. A. Parabula B. Alamat C.Pabula D. Kwento mula sa Bibliya ______14. Uri ng unang tao na may mas malaking utak kaysa sa homo erectus. at matalino Homo Sapiens B. Taong Java C. Taong Tabon D. Nusantao ______15. Teoryang nagsasabi na ang mga Pilipino ay nagmula sa malaking pangkat ng mga sinaunang tao sa Timog-Silangang Asya (at ang pagtuklas ng mga labi sa Lipuun Point sa Palawan ay ang) _____________. A. Core Population B. Austronesian Migration C. Wave Migration D. Teorya ng Continental Drift ______16. Ang alamat o kwentong bayan na nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang sinaunang lahing kayumanggi. A. Alamat ng Panay B. Alamat ni Maria Makiling C.Si Malakas at Si Maganda D. Alamat ng Karagatan ______17. Ang mga pangkat ng tao na unang nandarayuhan sa Pilipinas ayon sa Teorya ng Wave Migration ay ang ______________. A. Indones at Austronesian. B. Negrito, Indones at Malay C.Taong Tabon,Cagayan at Callao D. Malay at Intsik ______18. Panahon kung saan ang mga tao ay natutong magtanim at mag-alaga ng hayop. A. Paleotiko B. Neolitiko C. Metal D. Sinaunang lipunan ______19. Ang uri ng industriya ng sinauang Pilipino na kung saan sila nangunguha ng ginto, pilak, at metal sa batis, gubat at kabundukan. A. Pagbubungkal B. Pagmimina C. Pagkakaingin D. Paghahabi ______20. Ang sistema ito ay ginamit ng ating mga ninuno sa pakikipagkalakal kung saan ang mga produkto ay ipinapalit sa ibang produkto na dala ng ibang lahi. A. Kaingin B .Pangangayaw C. Placer Mining D. Barter