E. Tukuyin kung TAMA O MALI ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Sa pagbubukas ng Suez Canal ay napabilis ang transportasyon at komunikasiyon, paglabas-pasok ng kalakal, at pagpasok ng kaisipang liberal sa Pilipinas. 2. Ang mga anak ng mga panggitnang uri ng lipunan ay mga "naliwanagang kabataan", o illustrados, na nagkaroon ng liberal na edukasyong nagpamulat sa kanila sa tunay na kalagayan ng Pilipinas. 3.Si Carlos Maria de la Torre ang kinikilalang pinakamalupit na gobernador-heneral na namuno sa bansa. 4. Madaling nakuha ni de la Torre ang tiwala ng mga mamamayang Pilipino sapagkat pinakinggan niya ang mga hinaing nito at naniwala siya na pantay-pantay ang lahat ng tao. 5. Lalong napaigting ang damdaming makabansa ng mga Pilipino sa pagkamatay ng GomBurza.