C. Nakilaban para sa karapatan ng mga babae sa kanilang bansa.
D. Nanungkulan sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng kanilang bansa.
28. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinaka-angkop na konsepto ng malayang demokrasya?
A. Doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya.
B. Pamamahala ito ng karaniwang pinamunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan.
C. Sistemang pangkabuhayan ito kung saan ang produksyon, distribusyon at kalakalan ay kontrolado ng mga
partidong mangangalakal lamang.
D. Ideolohiya ito kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan ang pangunahing aspekto ng
pamumuhay.
29. Paano winakasan ng nasyonalismo ang imperyalismo sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
A. Pagtangkilik sa mga produktong ibenenta ng mga mangangalakal mula sa Kanluran
B. Pakikipagtulungan sa mga dayuhang mananakop sa pagkakaroon nila ng kapangyarihan sa pamumuno sa mga
bansang sinakop.
C. Pagbuwis ng buhay sa pagtanggol ng demokrasya, kalayaan at karapatan ng mga mamamayang
pinanghihimasukan ng mga kanluranin.
D. Wala sa nabanggit
30. Magkakaiba ang pamamaraang ginamit ng mga Asyano sa pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo. Alin sa
sumusunod ang mga samahan na itinatag ng mga Pilipino na naglalayong ipakita ang kahalagahan ng pagmamahal
sa bayan?
B. Partido Koumintang at Partido Kunchantang
A. Anti-Facist People's Freedom League
D. Budi Utomo at Sarekat Islam
C. Kilusang Propaganda at Katipunan​