A. Karapatang Sibil D. Karapatang Pangkabuhayan B. Karapatang Political E. Karapatang Nasasakdal C. Karapatang Panlipunan F. Karapatan ng mga bata 1. Mahilig umawit ang magkaibigang Nery, Judy at Marissa kaya naisipan nilang magtatag ng samahan para mas lalo pa nilang malinang ang kanilang talento 2. Sina Rena at Renan ay naglalaro pagkatapos nilang walisan ang kanilang bakuran, 3. Si Aling Nena ay nagmamakaawa kay Don Pablo dahil hindi pa nito mababayaran ang kaniyang utang kasi gipit pa ito sa pera. 4. Natupad ang pangarap ni Pedro na makapagbili ng lupa at bahay. 5. Kumuha ng testigo si Marlon para sa kanyang kaso. 6. Nasunod ang pangarap ni Yen na maging guro . 7. Ibinigay ng pamilya Mendoza kay Amy ang pagmamahal na kailangan niya kahit siya ay ampon. 8. Binigyan si G. Juan ng pampublikong abogado para ipagtanggol siya sa kaniyang kaso. 9. Tuwing halalan, hindi nalilimutan ni Shiela na bumoto sa kanilang lalawigan. 10. Hindi pinigilan si Iska ng kaniyang ama na sumali sa relihiyon ng kaniyang napangasawa.