Subukin Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Ang grupo o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa ay tinatawag na A. Abakada B. Himig C. Pangungusap D. Parirala 2. Bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan o ang paksa ay tinatawag na A. Abakada B. Himig C. Panaguri D. Simuno 3. Ito naman ang bahagi ng pangungusap na naglalarawan sa simuno o paksa. Ang tawag nito ay A. Panaguri B. Pang-uri C. Parirala D. Simuno 4. Ang mga mag-aaral ay nagkukwentuhan tungkol kay Titser Gosoy. Anong bahagi ng pangungusap ang may salungguhit? A. Panaguri B. Simuno C. Singkahulugan D. Tropa 5. Siya ay nakatawag pansin sa kanyang galing sa pagtuturo, kakaibang kulay at paika-ikang paglakad. Anong tawag sa bahagi ng pangungusap na may salungguhit? A. Alpabeto B. Himig C. Pang-uri D. Panaguri 6. Ilang bahagi mayroon ang pangungusap? A. Apat B. Dalawa C. Lima D. Tatlo 7. Si Titser Gosoy ay niyakap nang mahigpit ni Yulo. Ano ang payak na simuno na napapaloob sa pangungusap? A. Niyakap B. Si Titser Gosoy C. Titser Gosoy D. Yulo 8. Ang klima sa Pilipinas ay tropikal. Ano ang buong panaguri sa pangungusap? A. Ang klima B. Ay tropikal C. Sa Pilipinas D. Tropikal 9. Hugasan mo ang iyong mga kamay. Ano ang payak na panaguri sa pangungusap? A. Hugasan B. Iyong C. Kamay D. Mo​