Panuto: Tukuyin kung ang gawain ay nagpapakita ng pangangalaga ng iyong ISIP,
DAMDAMIN, SALITA, at KILOS upang maisabuhay ang iyong kabanalan.
Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. Ugaliin ang pagsagot ng po at opo kapag nakikipag-usap sa mga
nakakatanda.
2. Hindi nakaklimutan ni Angel ang magsimba tuwing linggo.
3. Binibigyan ng pagkain ni Moses ang mga kapus-palad na nasa
lansangan.
4. Laging naalala ni Belen ang kanilang pag-eensayo ng choir tuwing
Sabado ng hapon.
5. Malapit sa puso ni Angelo ang mga taong salat sa buhay.
6. Iniisip muna nang aming guro ang kanyang salita bago niya ito
sinasabi sa amin.
7. Iwasan ang pagsasabi ng hindi makatotohanan sa kapwa.
8. Lumahok sa mga gawain ng inyong relihiyon.
9, Linangin ang kabutihang loob sa lahat ng oras.
10. Maging matapat sa sarili sa lahat ng pagkakataon.
11. Hikayatin ang magulang na maging mapagkawanggawa.
12. Naaantig ang loob ni Christian sa mga taong grasa.
13. Iniisip ni Christopher ang kaligtasan sa kabilang buhay kaya lagi
siyang gumagawa ng mabuti.
14. Pinayuhan ka ng iyong lolo at lola na huwag magsinungaling.
15. Isapuso na ang diyos ang sentro ng ating pananampalataya.


Paki sagot po​