isalaysay ang naging buhay ni basilio sa pag aaral sa san juan de letran at sa Ateneo de municipal.​

Sagot :

Answer:

READ AS WELL..

KABANAT A 6 ‘‘Si Basilio’’

2. Tauhan: Basilio -Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.

3. Talasalitaan: Bunton * -tambak o tumpok. *Tanyag-kahulugan ay Sikat. * Tari -sandata na kinakabit sa paa ng panabong na manok sa tuwing labanan. * Gatol - Hindi nagdadalawang isip o sigurado. * Pagsisiga -pagsusunog .

4. Tagpuan: *San Diego *Sa gubat ng mga Ibarra *Maynila

5. Si Basilio ay naglalakad sa kalye at makailang ulit na tiniyak na walang nakakakita o sumusunod sa kaniya.Tinahan niya ang isang landas na walang gaanong naglalakad hanggang marating ang matandang gubat na dating pag-aari ng mga Ibarra subalit mula nang paniwalang patay na ito ay kinumpiska ng pamahalaan at naipagbili kay Kapitan Tiago. Buod:

6. Ulilang lubos si Basilio at nagtungo sa Maynila ,kung kani-kanino siya lumapit upang manilbihan.Siya’y may sakit,gula-gulanit ang damit at wala ni isang tumanggap sa kaniya.

7. Huminto siya sa harapan ng isang bunton ng mga bato at nagbigay galang,saka nanalangin.Ito ang puntod ng kaniyang pinakakamahal na Ina na lingid sa kaalaman ng lahat ay dinadalaw tuwing umuuwi siya sa bayan ng San Diego. Umupo siya at nagsimulang magmuni-muni.

8. Labing tatlong taon na ang nakaraan subalit hindi pa rin nawala sa isip ni Basilio ang nangyari sa ina.Nalagutan ng hininga ang kaniyang ina nang gabing iyon,may isang lalaking nag-utos na kumuha siya ng kahoy.Pagbalik niya ay isang bangkay ng lalaki na katabi ng kaniyang ina.Isang lalaki din ang dumating at tumulong sa pagsisiga sa bangkay ng lalaki at paglilibing sa ina ni Basilio nasi Sisa.

9. Hanggang sa masumpungan niya ang kakilalang si Kapitan Tiago na kababayan niya sa San Diego.Tinanggap siya nito bilang utusan na walang kapalit na bayad ngunit pinayagang makapag-aral sa San Juan de Letran.

10. Hindi naging hadlang ang ginawang pagtrato ng mga guro’t kamag aral.Nagsikap siya at nag-aral ng mabuti, lahat ng aralin ay kinabisado niyang mabuti ultimo tuldok at kudlit.Naipasa niya ang pasalitang pagsusulit na halos hindi tumitigil at humihinga sa pagsasalita.Walang gatol at walang pagkakamali siya sa pagsaulo at pagbibigkas ng mga leksiyon sa harap ng klase.