Ano ang di-mabuting epekto ng unang digmaang pandaigdig sa politika at ekonomiya?​

Sagot :

Answer:

nahirapan ang mga tao na tumaas o lumakas ang bansa

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay gumamit ng mga makabagong teknolohiyang pangmilitar at ng trench warfare, kaya naman marami ang taong namatay.

Higit sa 70 milyong tauhang militar, kasama ang 60 milyong taga-Europa, ang nasangkot sa malaking digmaang ito.

Pagkatapos ng labanan, humigit-kumulang 9 na milyong mga sundalo at pitong milyong mga sibilyan ang namatay sa nasabing WWI, kasama ang mga bikitma ng genocides.

Naging malaganap ang sakit at gutom na nagpasidhi sa paghihirap ng mga tao. Sa kabuoan, mahigit na 16 milyong mga tao ang namatay sa digmaan.

Bukod dito, lubhang maraming ari-arian ang naiwang wasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka at iba pang pangkabuhayang gawain.