4. Ipinakikita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga NGO at PO.
5. Ito ang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga POs para tumulong sa mga​


Sagot :

Answer:

4. Ang Republic Act 7160 o mas kilala sa tawag na LOCAL GOVERNMENT CODE OF THE PHILIPPINES ay ang batas na nagpapalakas sa mga Lokal na Pamahalaan. Ito ay naisabatas noong taong 1991.  Ang pagkakasabatas ng LGC of 1991 ay binago nito ang hatian ng kapangyarihan sa pagitan ng Pambansang Pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan. Dahil rito, nabigyan ng mas malawak na kapangyarihan ang mga lider ng mga Lokal na Pamahalaan at nabigyan ng pwesto ang mga Civil Society Organizations (CSOs), Nongovernmental Organizations (NGOs) ay Peoples Organizations (POs) para sa pakikilahok sa mga gawaing politikal.  Isa sa mga halimbawa ng Politikal na Pakikilahok ay ang BOTTOMS UP BUDGETING (BUB), kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mga CSOs, NGOs at POs na sumali sa pagpaplano sa budget ng Lokal na Pamahalaam.   Narito ang ilang link tungkol sa kung ano  ba ang politikal na pakikilahok?, kung sino ang pangulong nagpatupad sa LGC of 1991? at Pederalismo na magpapalakas ng mga Lokal na Pamahalaan.

5. Ang Funding Agency NGOs or Philanthropic Foundations o FUNDANGO ay isang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga POs para tumulong sa mga nangangailangan. Ang FUNDANGOs ay binubuo ng mga institusyon o organisasyon na nagbibigyay ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera o pondo sa mga nangangailangan. Kabilang rito ang mga privates sectors or companies, philantrophic foundations at private donations. Layunin ng FUNDANGOs na makapagbigay ng tulong hindi sa pamamagitan ng serbisyo, kundi nais nila na makatulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera na sasapat sa kailangan ng mga tao.

Narito ang ilang link tungkol sa kung ano  ba ang politikal na pakikilahok?, kung sino ang pangulong nagpatupad sa LGC of 1991? at Pederalismo na magpapalakas ng mga Lokal na Pamahalaan.

brainly.ph/question/1350177

brainly.ph/question/2119287

brainly.ph/question/2122834

#CarryOnLearning

Explanation: