Panuto: Basahin ang mga pangungusap at tukuyin kung anong uri ng pangungusap ito. Isulat sa patlang bago ang bilang ang PS (Pasalaysay), PD (Padamdam), PT (Patanong), PK (Pakiusap), PU(Pautos) 1. Matamis at malagkit ang suman na tinda ni Aling Ines. 2. Tunay nga ba na nakapuputi at nakakikinis ng balat ang langis ng niyog? 3. Oh, ang lalaki ng bunga ng saging! 4. Wow! Ang bango ng amoy ng sinaing na bagong ani 5. Matibay at makapal ang tinitinda niyang tent 6. Matibay ang pagkakayari ng tsinelas na ito. 7. Wow! Ang ganda ng pagkakagawa ng sofa. 8. Charlton, pakikuha mo nga ang aking aklat sa mesa. 9. Bakit kailangan natin gumamit ng cellphone sa panahon ngayon 10. Ang abaka ay isang uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging. 11. Bawal sumingit sa pila! 12. Dadaan po ba kayo sa opisina? 13. Mahaba pala ang pila sa ATM tuwing hapon. 14. Pakibaba po ang bandila tuwing hapon. 15. Ano na kaya ang mangyayari sa mga estudyante ngayon sa panahon ng krisis na ito?​