2. Bakit sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. dahil sa pagpaslang sa Duke ng Austria na si Francis Ferdinand
B. pagnanais na magkaroon ng kalayaan o kasarinlan
C. sa pamamagitan ng protesta laban sa pamahalaan
D. pagsakop ng Japan sa Manchuria
3. Paano mo maipapamalas ang pagmamahal sa bansa sa kasalukuyang panahon?
A mag-aral ng mabuti at igalang ang mga nakatatanda kung kinakailangan
B. hindi susunod sa mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan
C. maging kapaki-pakinabang na indibidwal sa lipunan
D. pagbili ng mga imported na produkto
4. Ano ang epekto ng kolonyalismo sa mga rehiyon ng Asya?
A. naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano
B. naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa
C. natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan
D. natutuhan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain
5. Ang pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ay nag-udyok sa mga lider na Nasyonalista sa Asya upang
A. matamo ang kalayaan sa kamay ng mga Imperyalista
B. urigting ang labanan ng dalawang panig
C. magbago ang kanilang kabuhayan
D. magkaroon ng pagkakaisa​