(1) Ako ay Pilipino at buong puso kong ipinagmamalaki ang panitikan ng aking bansang
Pllipinas. (2) Narito ang mga dahilan.
(3) Una, bago pa man tayo sinakop ng mga dayuhan, hindi pa man laganap noon ang
panulat, malawak na ang koleksyon ng mga di-nasusulat na akda gaya ng bulong, awiting-
bayan, alamat, epiko at iba pa na tunay na nagpapakita ng makulay na kultura ng ating
mga ninuno. (4) Ang nakamamangha pa, naipalaganap lamang ito sa pagsasalin-dila. (5)
Ipinakikita nito na ang ating mga ninuno ay totoong nagpapahalaga sa kanilang kultura at
panitikan.
(6) Ikalawa, ang ating panitikan ay nasusulat sa iba't ibang mga wika at wikain sa ating
bansa. (7) Sadyang masining ang ating mga manunulat na Pilipino kaya anumang wika
nasusulat ang mga akda, nagtataglay ito ng pambihirang kariktan kapag ang mga ito ay
binabasa natin.
(8) Ikatlo, sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinagyayaman ang ating panitikan. (9) Kaya
naman, bilang mga Pilipino, marapat lamang na pangalagaan ang ating panitikan sa
pamamagitan ng laging pagtangkilik at pagbabasa ng mga akdang nasa wikang Filipino at
sa iba pang mga wika sa Pilipinas na iyong alam. (10) Isa pa, subukan nating lumikha ng
mga akdang nasa ating sariling wika. (11) Sa gayon, hindi lamang natin maipakikita ang
pagmamalaki sa ating panitikan kundi lalo nating mapayayabong maging ang ating
pambansang wika.​