Gawain SOCIO-POLITICAL CARICATURE
Gumawa ng isang socio-political caricature na kung saan maglalaman ng larawang guhit
bilang representasyon o sumasalamin ng impormal na sektor. Ito ay dapat naglalaman ng mga
elemento ng impormal na sektor sa aspektong kadahilanan, epekto, at mga batas o patakarang
pang-ekonomiya ukol dito. Upang maisagawa nang maayos ang presentasyon, isaalang-alang
ang sumusunod na pamprosesong tanong at ang bawat presentasyon ay bibigyan ng marka
puntos gamit ang rubrik na nasa ibaba.