Sagot :
Answer: Antas ng Wika:
Pampanitikan o Panretorika
Ang wikang ito naman ay ang ginagamit sa mga sulatin ng mga dinadakilang pangalan sa panitikan. Ito ay ang mga salitang nagbibigay ng buhay sa mga akda ng mga manunulat, makata, tagapag-ulat, at mga mamamayahag.
Karaniwang matayog, malalim, masining, at mauklay ang pagkakagamit ng wikang pampanitikan o panretorika.
Halimbawa ng Pampanitikan
Ang mga kilala at dinadakila nating manunulat ay bihasa sa paggamit ng mga wikang pampanitikan o panretorika.
“O, pagibig na makapangyarihan
Pag ika’y pumasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat
Masunod ka lamang.”
– Florante at Laura, Francisco Balagtas