Vinaalfeche29viz Vinaalfeche29viz Araling Panlipunan Answered 1. Ito ay tumutukoy sa kahandaan at pagnanais na magsagawa ng tungkulin at pananagutan para sa ikabubuti ng pamayanan.A. Pagkilos na SibikoB. Kagalingang PansibikoC. Kamalayang Pansibiko D. Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko2. Nakita mong tumatawid sa kalsada ang isang matanda. Ano ang gagawin mo?A. Kawayan ang matanda. B. Pabayaan siya at huwag pansinin.C. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid.D. Maghanap ng makakatulong niya sa pagtatawid ng daan.3. Ano ang epektong naidudulot ng gawaing pansibiko sa bansa?A. maibigay ang mga luho sa bawat mamamayanB. mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayanC. mapabilis ang proseso ng pagpunta sa ibang bansaD. matugunan ang pangangailangan ng mga mambabatas4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng taong may tamang saloobin sa paggawa?A. palaging magreklamo sa gawainB. magpahinga sa oras ng trabahoC. ipagpaliban ang paggawa ng gawaing bahayD. magtrabaho ng maayos at may dedikasyon5. Ano sa palagay mo ang dapat gawin ng mga magulang sa natatanggap na pera mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Programa o 4P’s?A. Ipangsusugal ito.B. Ipambabayad ito sa utang.C. Ipambibili ito ng mga kagamitan sa bahay.D. Gagamitin sa pagpapaaral at pagpapagamot sa mga anak.6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang makakatulong sa pag-unlad ng sarili? A. Laging huli sa pulong si Cristina.B. Bata pa lamang si Inso ay sakitin na.C. Kahit kailan di nabisita ni Jing ang kanilang silid-aklatan.D. Nagsasanay nang mabuti si Matet sa paglangoy upang makasali sa Pambansang Koponan.7. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng sariling kakayahan at kasanayan?A. Naipakikita ang tunay na kagitingan.B. Nakakaambag ito sa kaunlaran ng bansa.C. Natatamasa ang mga pansariling hangarin.D. Nakakaapekto sa pag-unlad ng banyagang pamahalaan.8. Paano ka makatutulong sa wastong pangangalaga sa mga likas na yaman ng iyong pamayanan?A. Ilalagay ko ang aking basura kahit saan.B. Aalagaan ko at pagyayamanin ang halaman sa aming bakuran.C. Titingnan ko lang ang batang nagtapon ng basura sa tabing-dagat.D. Babalewalain ko ang anumang napag-aralan namin tungkol sa kalikasan.9. Paano mo mapanatiling malusog ang iyong katawan upang makatulong sa pag-unlad ng bansa?A. Maglaro ng “ML” hanggang magdamag.B. Mag-ehersisyo kung kailan nais gawin ito.C. Kumain ng masustansiyang pagkain upang maging produktibo. D. Gumamit ng ipinagbabawal na gamot para mapalakas ang katawan.10. Ang mga sumusunod ay mga paraan na dapat itaguyod ng mga mamamayan para sa pambansang kaunlaran maliban sa isa.A. pagiging produktiboB. pagmamahal sa bansa at sa kapuwa PilipinoC. paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahanD. pagpapatuloy ng katiwalian at maling gawain sa pamahalaan