Panuto: Basahin at suriin mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng
pangungusap at MALI kung di-wasto. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
______ 1. Ang rehiyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya ay mga rehiyon na lubusang naapektuhan ng
pananakop.
______ 2. Isa ang bansang Portugal sa mga kanluraning bansa na naghangad na magkaroon ng kolonya sa
Silangang Asya partikular sa China.
______ 3. Nauna ang mga bansang Portugal at Spain sa pananakop ng mga lupain sa Timog-Silangang Asya.
______ 4. Ang paglalakbay na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi ang nagtagumpay na masakop ang bansa sa
pamamagitan ng pakikipagsanduguan na kung saan ito ay pag-inom ng lokal na pinuno at pinunong
Español ng alak na hinaluan ng kani-kanilang dugo.
______ 5. Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan at maayos na daungan ang bansang Indonesia