Balik-aral
Panuto: Piliin sa kahon kung anong uri ng pelikula ang inilalarawan sa bawat bilang.
Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.
_______________
|Drama |
|Aksiyon |
|Katatawanan |
|Historikal |
|Kababalaghan |
|Katatakutan |
|_______________|
1. Ito ay nakasisindak o nakakapagpakabog ng dibdib sa mga manonood.
Maaring ito ay tungkol sa multo, aswang o iba pang nakakatakot.
2. Ito ay tungkol sa kasaysayan o batay sa tunay na pangyayari sa isang lugar.
3. Pelikulang ang mga tauhan ay maaaring mga diwata, nimpa o iba pang may
kakaibang kapangyarihan
4. Nagbibigay ito nang kasiyahan sa tao dahil nakatatawa ang kuwento.
5. Pelikulang madalas ay nagpapakita ng lakas o galing ng mga tauhan sa
barilan o bakbakan