Panuto: Batay sa iyong natutunan sa aralin, isulat kung ang pangungusap ay TAMA o MALI.
______ 1. Ang Personal Mission Statement ay maaaring awit.
______ 2. Ang pangarap ay kakaiba sa panaginip. Ang panaginip ay nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw ay
natutulog. Kapag nagising ka na, natatapos din ito.
______ 3. Ang tama ay ang mangarap at mag-ambisyon dahil ang pagtatamo ng mga ito ay nasa mga kamay mo.
______ 4. Lumilipas ang panahon kaya dapat kung mayroon kang pangarap ngayon, umpisahan mo nang magplano
upang maisakatuparan ito.
_____ 5. Ang pantasya ay likha ng malikhaing isip. Ito ay ang pagbuo ng mga sitwasyon o pangyayari ayon sa iyong
kagustuhan.