S Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa hiwalay na papel. I. Kailan inukit ni Juan de los Santos ang Simbahan ng San Agustin? A. 1516 B. 1517 C. 1617 D. 1716 2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagsasaad tungkol sa impluwensiya ng mga Espanyol sa pananamit ng mga Pilipino? A. Natutong magsuot ng camisa chino ang mga kalalakihan. B. Ang mga kababihan ay nagsuot ng baro't saya. C. Nanatiling kangan at bahag ang suot ng mga Pilipino. D. Natutunan nila ang paggamit ng tsinelas at sapatos. 3. Ito ay tumutukoy sa patulang salaysay sa pasyon, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus. A. Doctrina Christiana C. Mahal na Pasion ni Hesu Cristo B. Santacruzan D. Catalogo Alpabetico de Apelyedos 4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang na natutuhan ng mga Pilipino sa Espanyol sa larangan ng panitikan? A. awit at korido B. dasal at nobena C. tula at sarzuela D. carroza at prusisyon 5. Ang pagluluto ng mechado, afritada, relleno, paella at pochero ay ilan lamang sa mga pagkain na ipinakilala sa atin ng mga Espanyol. A. Tama B. Mali C. Mali D. Siguro 6. Ang mga kolehiyo na itinatag para sa kalalakihan ay tinuruan ng mga sumusunod na wika maliban sa isa. A. Spanish B. Greek C. English D. Latin 7. Saan ibinatay ang ilang mga galaw sa sayaw Santa Isabel at iba pang sayaw ng pag-ibig. A. Waltz B. La jota C. Pandango D. Flores de Mayo 8. Ang mga sumusunod ay mga instrumentong pang-musika na natutunan ng mga Pilipino mula sa Espanyol gaya ng A. pluta, violin at polka C. pluta, piano at harpa B. harpa, piano at peineta D. violin, harpa at panuelo 9. Anong uri ng paaralan ang nagtuturo ng mga kasanayan tulad ng pag-iimprenta at pagkakarpintero? A. Pamparokya B. Bokasyonal C. Kolehiyo D. Pamantasan