ilahad ang pagkakaiba ng pangarap ni isagani at paulita

Sagot :

Answer:

Ang mga pangarap ni Isagani na nais niyang matamo

Ang Pangarap ni Isagani ay ang makamtan ng mga kababayan niya ang kalayaan, nais niyang tumindig ang Pilipinas sa tabi ng Espanya bilang isang malayang bansa.Nasambit niya na gusto niyang ialay ang kanyang buhay alang-alang sa ikararangal ng kanyang lupang tinubuan.

Pangarap din ni Isagani na mapangasawa si Paulita at makasama ito habang buhay,Nais ni Isagani na mamuhay ng simple sa kanyang kinalakihang lugar na mapayapa, ngunit ayon kay Paulita ay hindi siya sanay sa malayong paglalakbay na karwahe lamang at tren ang maaring sakyan, Pero ayon kay Isagani na huwag mabahala si paulita sapagkat malapit ng dumating ang oras na iyon, malapit ng dumating ang panahong madali kang maihahatid saan mang lugar sa kapuluang gusto mong puntahan sa isang iglap lamang, darating at darating ang araw na iyon na ilalatag sa iyong paanan ang modernong riles ng bagong panahon,mag uunahan ang mga tren sa syudad at sa nayon,pagpasok ng bagong sibilisasyon.Pero ang lahat ng sinabi ni Isagani ay sinansala ni Paulita kalian pa iyon pag aalog alog na ang baba ko sa katandaan. Kaya naisip ni Isagani na kung hindi man siya magtagumpay sa pag-ibig ng babaeng kanyang pinakamamahal, nais naman niyang maging makabuluhan sa pananaw ng kanyang mga kababayan.

#LearnWithBrainly