Gawain: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon at alamin ang angkop na gabay upang maisakatuparan ang
mga pangarap. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.
a. Kamalayan sa sarili
b. Handang kumilos upang maabot ang mga pangarap
c. Ang pandama ng higit na pagnanasa tungo sa pangarap
d. Nadarama ang pangangailangang makuha ang mga pangarap
e. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito
f. Mahalagang magpasalamat at magplano ng pagtulong sa kapuwa

____1. Si Andrew ay nagkaroon ng polio noong bata pa naapektuhan ang kaniyang kaliwang paa at
nahihirapan sa paglalakad. Hindi ito naging hadlang sa kanyang pagpapasya kung anong kursong kukunin sa
kolehiyo dahil alam niya ang kanyang kahinaan at kalakasan.
____ 2. Nasa mayamang pamilya si Joseph at kukuha siya ng abogasya sa kolehiyo upang makatulong sa
mga mahihirap na nangangailangan ng legal na gabay.
____ 3. Isa si Lito Pomoy na kilala dito sa Pilipinas o maging sa ibang bansa na magaling umawit, ang talento
at lakas ng loob ang nakatulong sa kaniya upang makilala at maging sikat na mang-aawit.
____ 4. Isang Domestic Helper ang ina ni Aubrey, hindi niya inaalintana ang hirap sa trabaho at tinitiis ang

pangungulila sa pamilyang naiwan sa Pilipinas. Pangarap kasi nitong makapagtapos ang mga anak sa pag-
aaral at maging matagumpay sa buhay.

____ 5. Hindi kayang tustusan ng kanilang Ina ang magkakapatid na sina Leo at Liza, bata pa lamang sila
nang ulila sa ama. Sabay silang papasok sa kolehiyo sa susunod na taon. Bago pa man magsimula ang
klase, abalang abala silang tumulong sa kanilang ina para makaipon ng pera.