Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Piliin ang pangungusap na naglalarawan sa kahalagahan ng pagtutulungan. Isulat sa papel ang napiling pangungusap. 1. Nanalo sa paligsahan ng pinakamalinis na komunidad dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa. 2. Naging maaliwalas at malamig ang paligid sa komunidad dahil sa mga punong itinanim ng mga babae at lalaking iskawt. 3. Mabilis ang daloy ng trapiko dahil sa pagtutulungan ng mga pulis at mamamayan. 4. Maayos ang kinalabasan ng ginawang entablado para sa programang gaganapin sa komunidad. 5. Naramdaman ang diwa ng Pasko dahil sa mga parol at ilaw na ikinabit ng mga kabataang lalaki at babae. PIVOT 4A CALABARZON AP G2 33​