Si Denise ay inutusan na siya ang kumuha ng kanyang modyul sa paaralan dahil may inaasikasong negosyo ang kanyang ina. Pero pumunta muna ito sa kanyang kaibigan para ibigay ang gamit nito. Hindi niya akalain na napaganda ang kanilang usapan at dumating sa punto na natagalan ito at hindi nakuha ang modyul. Dahil sa takot na mapagalitan ng ina, hiniram niya ang mga modyul ng kanyang kaibigan at nagsinungaling na nakuha na niya ang mga modyul niya. 1. Nabigyan ba ng sapat na katuwiran ni Denise ang lcaniyang ginawang pagsisinungaling? Bakit?​