B. Bilugan ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.
1. Nag-eehersisyo siya tuwing umaga upang maging malusog ang
kanyang pangangatawan.
2. Pupunta bukas ang kanyang ina sa paaralan para kumuha ng
modyul.
3. Ngayong araw ay magluluto kami ng masarap na meryenda.
4. Sa isang buwan ay ipagdiriwang ko na ang aking kaarawan.
5. Dadating ang aking lola mamaya sa aming bahay.