1. Ito ay maihahalintulad sa isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay. a. Personal Mission Statement
b. Personal Vision Statement
c. Personal Motto in Life
d. Personal Goals in Life
2. Bakit mahalaga ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Layunin sa Buhay?
a. Magiging malinaw sayo ang mga kilos na dapat isinasagawa mo sa iyong buhay.
b. Mabubuksan ang iyong mata sa mga bagay na mahalaga sa buhay mo.
c. Magsisilbi itong gabay upang makamit ang mga mithiin at pangarap mo sa buhay.
d. Lahat ng nabanggit
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang Personal na Pahayag ng Layunin sa Buhay?
a. Nagbibigay ito ng inspirasyon sa iyong buhay.
b. Nakalista dito ang iyong mga problema sa buhay.
c. Nailalarawan nito ang mga katangian na nakapagpapatangi sa iyo.
d. Nasasakop nito ang apat na aspeto ng iyong pagkatao: pisikal, sosyal, mental at ispirituwal.
4. Ayon kay Dan Miller nakasaad sa Personal na Pahayag ng Layunin sa Buhay ang:
a. Mga kakayahan at talento
b. Mga Pagpapahalaga sa buhay
c. Mga Mithiin at Pangarap sa buhay
d. Lahat ng nabanggit
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Layunin sa Buhay?
a. Alamin ang iyong mga pagpapahalaga sa buhay.
b. Bumuo ng ninanais na imahe para sa iyong sarili.
c. Ilista ang iyong mga kahinaan bilang isang indibiduwal.
d. Wala sa nabanggit​