Basahin ang nasa loob ng kahon at sagutin ang mga
kasunod na tanong.

“Ina ka ba ng mga magnanakaw?" ang tanong ng isang guardia-civil.
"Ina ako ng magnanakaw?" ang patakot na ulit ni Sisa.

14. Ano ang ibig ipahiwatig ng pag-uulit ni Sisa sa tanong ng guardia-civil?
A. Nagtataka siya sa tanong ng guardia-civil.
B. Di niya narinig nang malinaw ang tanong.
C. Nais niyang takpan ang katotohanan.
D. Di siya naniniwala sa bintang sa kanyang mga anak.
15. Ano ang mahihinuha sa paraan ng pagtatanong ng guardia-civil?
A. Hindi niya kilala ang kaharap.
B. Mababa ang tingin niya sa kausap.
C. Naniniwala siya sa bintang sa mga bata.
D. Nagbabakasali siyang tamang tao ang napagtanungan.​