Paano ito
makakatulong sa
aking sarili?​


Sagot :

Answer:

Una, Pangalagaan ang Sarili Mo

Eksena sa isang eroplano, may biglang nahulog na oxygen mask sa harapan mo. Ano ang gagawin mo? Alam natin na ang unang dapat gawin ay ang maglagay ng oxygen mask sa sarili mo bago tulungan ang ibang tao. Kung tutulungan muna natin ang sarili natin, matutulungan natin nang mas maayos ang iba. Ang pangangalaga sa sarili ay isa sa mga mahalagang bagay – at kadalasan ay nakakalimutan – na maaari mong gawin bilang isang tagapag-alaga. Kapag ang pangangailangan mo ay natutugunan, ang kapakanan ng inaalagaan mo ay makikinabang rin.

Epekto ng Pag-aalaga sa Kalusugan at Kalagayan ng Tao

Madalas nating marinig ito: “Ang asawa ko ang may sakit na Alhzeimer’s pero ngayon ako ang nasa ospital!” Karaniwan na ang mga pangyayaring ganito. Alam na alam ng mga researcher ang epekto ng pag-aalaga sa kalusuguan at kalagayan ng tao. Halimbawa, kung ikaw ang nag-aalaga sa iyong asawa na may edad na 66 hanggang 96 na taon at nakararanas ka ng emosyonal na pagod at pati rin sa pag-iisip, mas mataas ng 63% ang panganib na mamatay ka kumpara sa mga kaedad mo na hindi caregiver. Ang kumbinasyon ng pagpanaw ng isang mahal sa buhay, stress na matagal nang nararanasan, ang kaakibat na pisikal na hirap sa pag-aalaga at ang biolohikal na aspeto ng isang may edad na, ang maglalagay sa panganib sa kalusugan o kaya naman ay maagang pagkamatay.

Hindi lamang ang mga matatandang caregiver ang nanganganib ng kanilang kalusugan at kalagayan. Kung ikaw ay isang baby boomer na naging tagapag-alaga sa iyong mga magulang habang patuloy pa ring nagtatrabaho at nagpapalaki ng mga anak, mas mataas ang risk na magkaroon ka ng depression, pabalik-balik na sakit at posibleng pag-ikli ng buhay

Answer:

nasaan po yong pic ng tanong