Sagot :
Ang impormal na sektor ay may malaking pakinabang sa ating bansa at sumasalamin sa pagiging matatag, matiyaga at maparaan ng mga Pinoy. Gayunpaman, ang sekor na ito ay kinakailangan na mabigyan ng halaga at tulong sapagkat ang mga myembro nito ay kulang sa benepisyo at seguridad sa pangkabuhayan na aspeto.
Explanation:
Sa Pilipinas, malaki ang naiambag ng sektor na ito sa ating ekonomiya. Sa katunayan, 45% ng ating GDP ay nagmumula sa sektor na ito. Ngunit bakit nga ba sila dapat pagtuonan ng pansin ng gobyerno? Una, sila ang parte ng populasyon na walang regular na trabaho. Bilang hindi mga regular na empleyado, wala silang nakukuha na benepisyo katulad ng SSS at Philhealth na pangunahing benepisyo na kailangan ng isang mamamayan sa Pilinas. Ikalawa, ang kanilang kita ay hindi "fix rate" katulad ng mga empleyado sa mga establisyamento. Kadalasa sa kanila, sapat lamang na pangraos sa araw-araw ang kanilang kinikita. Sa puntong ito, masasabi natin na ang mga taong ito ay sumasalamin sa unemployment at underemployment rate ng bansa. Sa kanila nakikita kung ano-ano ba ang kakulangan ng bansa sa pagbigay ng mabuti at sapat na pangkabuhay na may seguridad sa ating mga mamamayan. Kaya naman, sana, sa darating na panahon ay mabigyan ng solusyon ang kawalan ng trabaho at pagdami ng sakop ng impormal na sektor sa ating ekonomiya.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa impormal na sektor, magbasa dito:
#BrainlyFast