Panuto: Isulat ang salitang Presidensyal kung ang pangungusap ay tumutukoy sa mga katangian ng sistemang presidensyal at salitang Parlyamentaryo kung ang pangungusap ay tumutukoy sa katangian ng sistemang parlyamentaryo. sa
__1. Ang Pangulo ay may karapatang pumili ng mga kalihim ng bawat kagawaran o tanggapan ng pamahalaan. __2. Ang tagapagpaganap ng batas ay iba sa kinikilalang pinunong panseremonya bansa. Ang pinunong panseremonya ay maaring isang pangulo, hari o Reyna.
__3. Ito ang sistemang pampamahalaan na sinusunod ng mga bansang tulad ng Pilipinas at Estados Unidos.
__ 4. Maari siyang ihalal ng tuwiran ng sambayanan o kaya sa pamamagitan ng "Electoral College" tulad ng sa Estados Unidos. Sa sistemang ito ay may karapatan ang pinuno na pumili ng mga kalihim sa bawat kagawaran ng pamahalaan.
__5. Sa sistemang pampamahalaang ito ang mga tagapag batas ang pumipili ng Punong Ministro mula sa lupon ng mga kinatawan at siya ang magiging tagapagpaganap ng mga batas. Tuwiran ang kanyang pananagutan sa mga tagapagbatas ngunit hindi sa mga mamamayan.​​