Answer:
Ang Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa o sa payak na tawag na Nagkakaisang Bansa, dinadaglat bilang UN sa wikang Ingles, ay itinatag noong 24 Oktubre 1945 sa San Francisco, Estados Unidos, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ang pinakamalaking kapisanang pandaigdig sa mundo na nagsisilbi para sa kapayapaan ng mga bansa.